7 katao, nasawi sa pagguho ng bubong ng paaralan sa Thailand

2023-05-24 14:37:02  CMG
Share with:

 

Ayon sa ulat kahapon, Mayo 23, 2023 ng pamahalaan ng Thailand, 7 katao ang nasawi at 23 katao ang nasugatan sa aksidente ng pagguho ng bubong ng sports arena ng isang paaralan sa lalawigang Phichit na naganap noong gabi ng Mayo 22, dahil sa epekto ng malakas na sigwa.

 

Sa kasalukuyan, isinugod sa ospital ang ilang nasugatan, pero nakakulong pa rin ang mga esdutyante, magulang at staff ng paaralan sa gumuhong sports arena at hindi inilabas ang aktuwal na bilang ng naturang mga katao.

 

Iniutos ni Prayut Chan-o-cha, Punong Ministro ng Thailand, ang mga may kinalamang organo na unahin ang paghahanap at pagliligtas ng mga nawawalang katao at ipagkaloob ang mga tulong sa nasugatan.

 

Ayon pa rin sa pahayag ng pamahalaan ng Phichit, mahigit 100 pamilyang lokal ang apektado sa sigwa.

 

Nauna rito, ipinahayag ng departamentong meteorolohikal ng Thailand na mula Mayo 22, pumasok na ang bansa sa panahon ng tag-ulan at magaganap ang sustenableng malakas na ulan sa karamihang lugar ng bansang ito.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil