Pag-audit sa reporma sa sarili ng Partido, binigyan diin ang natatanging papel ni Pangulong Xi ng Tsina

2023-05-24 16:40:20  CMG
Share with:

Sa kanyang pagho-host ng unang pulong ng Komisyong Sentral ng Pag-audit ng Ika-20 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) Mayo 23, 2023, binigyan-diin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ginaganap ng pag-audit ang natatanging papel sa pagpapasulong ng reporma sa sarili ng CPC.


Hiniling ni Xi na dapat pataasin ang dekalidad na pag-unlad ng gawain ng pag-audit sa makabagong panahon.

 

Hinimok din ni Xi na dapat palakasin ang estratehikong pagpaplano at pagdedesenyo sa pinakamataas na lebel sa larangan ng pag-audit, at ipagkaloob ang serbisyo para sa partido at bansa sa pamamagitan ng epektibong superbisyon sa pag-audit.

 

Aniya, dapat palakasin ang superbisyon sa mga krusyal na larangang kinabibilangan ng utang ng lokal na pamahalaan, pinansyo, real estate, pagkain, enerhiya at iba pa, para pangalagaan ang ilalim na linya na walang sistematikong panganib; dapat lubos na ganapin ang papel ng pag-audit sa paglaban sa korupsyon.

 

Tinukoy din sa pulong na ang bunga ng pag-audit ay dapat maging mahalagang sanggunian ng pagtatasa, paghirang, pagtanggal, gantimpala, at parusa ng mga opisyal.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil