Xi Jinping, bumati sa pagkalunsad ng "Macao Science 1" satellites

2023-05-24 15:18:28  CMG
Share with:

Nagpadala Martes, Mayo 23, 2023 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng mensahe sa mga guro at estudyante ng Macau University of Science and Technology para bumati sa matagumpay na pagkalunsad ng "Macao Science 1" space exploration satellites.

 

Sa kanyang mensahe, tinukoy ni Xi na nitong ilang taong nakalipas, natamo ang kapansin-pansing bunga ng kooperasyon ng Macao at Chinese mainland sa mga larangang gaya ng kalawakan.

 

Sinabi ni Xi na ang konstruksyon ng modernisasyong Tsino ay nagkakaloob ng malawak na espasyo ng pag-unlad para sa mga pamantasan, at talento ng siyensiya at teknolohiya ng Macao.

 

Ani Xi, umaasa siyang aktibong lalahok ang mga estudyante at guro ng Macao sa pag-unlad ng bansa at konstruksyon ng Macao.

 

"Macao Science 1" satellites ay magkasamang sinaliksik at ginawa ng Macao at Chinese mainland na nilahukan ng mga guro at estudyante ng Macau University of Science and Technology.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil