CMG Komentaryo: Bakit nabigo ang pagsuporta ng Amerika sa Taiwan sa paglahok sa WHA taun-taon?

2023-05-24 15:09:19  CRI
Share with:

Inaasahang tinanggihan kamakailan ng Ika-76 na World Health Assembly (WHA) ang paglakip ng agenda umano’y “pag-imbita sa Taiwan sa WHA bilang tagamasid” na iniharap ng iilang bansa.


Bilang resulta, pitong beses nabigo ang tangka ng Amerika sa pagsuporta sa rehiyong Taiwan sa asembleang ito.


Lubos nitong ipinakikitang ang prinsipyong isang-Tsina ay magkatugma sa pangkalahatang tunguhin at puso ng mga tao. Pagkabigo lang ang nakamtan ng Amerika sa paglaban sa prinsipyong ito.


Iniharap ng iilang bansa ang nasabing mosyong may kaugnayan sa rehiyong Taiwan, sa katotohanang pinamunuan ito ng Amerika.


Lubos na nalaman ng Amerika ang pinal na resulta.


Ang umano’y mosyong may kinalaman sa rehiyong Taiwan ay lumalabag sa pandaigdigang regulasyon, partikular na sa prinsipyong isang-Tsina na kinikilala ng Pangkalahatang Asemblea ng United Naitons (UN) at WHA.


Ayon sa resolusyon bilang 2758 ng Pangkalahatang Asemblea ng UN at resolusyon bilang 25.1 ng WHA, ang paglahok ng rehiyong Taiwan sa mga aktibidad ng organisasyong pandaigdig na kinabibilangan ng WHA ay dapat hawakan alinsunod sa prinsipyong isang-Tsina.


Bago magdaos ang WHA sa kasalukuyang taon, ipinahayag ng halos 140 bansa ang kanilang pananagan sa prinsipyong isang-Tsina at pagtutol sa paglahok ng rehiyong Taiwan sa WHA.


Bukod pa riyan, halos 100 bansa ang nagpadala ng liham sa Direktor-Heneral ng World Health Organization (WHO) o nagpalabas ng pahayag upang maipakita ang kanilang posisyong gumigiit sa prinsipyong isang-Tsina.


Taun-taon, pitong beses nabigo ang tangka ng Amerika sa isyung ito. Pero bakit ipinagpapatuloy ng Amerika ang panlilinlang nito?


Tinukoy ng mga tagapag-analisa na ito ang isang panlilinlang at palabas ng Amerika sa pagpigil sa pag-unlad ng Tsina sa pamamagitan ng rehiyong Taiwan.


Sa mata ng Amerika, ang rehiyong Taiwan ay isang “kagamitan” lang.


Salin: Lito

Pulido: Ramil