Tsina at Amerika: dapat pasulungin ang malusog na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa

2023-05-24 16:42:05  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng video link, idinaos Mayo 23, 2023, ang Ika-13 Diyalogo ng Partido ng Tsina at Amerika.

 

Isinagawa ng dalawang panig ang malalim at konstruktibong pagpapalitan sa ilalim ng tema ng mutual cognition at kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan.

 

Lumahok sa diyalogo at binigkas ang keynote speech si Liu Jianchao, Puno ng Departamentong Pandaigdig ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).

 

Sa diyalogo, ipinalalagay ng kapuwa panig na napakahalaga ng paraan ng pagkakasundo ng Tsina at Amerika. Dapat isagawa ng kapuwa panig ang hakbangin para pasulungin ang relasyong Sino-Amerikano na babalik sa tumpak na paraan at malusog na pag-unlad, ito ay angkop sa komong pag-asa ng mga mamamayan ng dalawang bansa at komunidad ng daigdig, ito rin ay magdudulot ng benepisyo para sa susunod na henerasyon.

 

Dapat igalang ng Tsina at Amerika ang isa’t isa, mabuhay ng mapayapa, at hindi dapat makisali ang dalawang panig sa paglaban; dapat palakasin ang diyalogo at pagpapalitan, pabutihin ang pagkakaibigan ng mga mamamayan, pasulungin ang kooperasyon para magkasamang harapin ang pandaigdigang hamon.

 

Sinang-ayunan ng Tsina at Amerika na patuloy na isagawa ang pagpapalitan at diyalogo ng CPC at Democratic and Republican Parties ng Amerika.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil