Mayo 24, 2023, Beijing – Sa pakikipagkita ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Punong Ministro Mikhail Mishustin ng Rusya, tinukoy niyang ang pagpapatatag at pagpapasulong ng relasyong Sino-Ruso ay angkop sa komong mithiin ng mga mamamayan ng dalawang bansa at tunguhin ng kasaysayan.
Umaasa aniya siyang magkasamang palalakasin ng dalawang panig ang kooperasyon sa iba’t-ibang larangan sa mas mataas na antas.
Kasama ng Rusya, nakahanda aniya ang Tsina na patuloy at matatag na harapin ang mga isyung may kinalaman sa mga nukleong interes ng dalawang panig, at pabutihin ang koordinasyon sa mga multilateral na platapormang gaya ng United Nations (UN), Shanghai Cooperation Organization (SCO), BRICS, Group of 20 (G20), at iba pa.
Dagdag ni Xi, alinsunod sa prinsipyo ng pagkakaibigan at pakikipagkooperasyon sa Rusya at mga kasaping bansa ng Eurasian Economic Union (EEU), nais ng Tsina na magkasamang isulong ang ugnayan sa pagitan ng Belt and Road Initiative (BRI) at EEU para itatag ang mas bukas na pamilihang panrehiyon, at igarantiya ang katatagan’t kaayusan ng kadena ng industriya’t suplay ng buong daigdig.
Sa kabilang dako, sinabi naman ni Mishustin na kasama ng Tsina, nakahanda ang Rusya upang isulong ang proseso ng multi-polarisasyon ng daigdig, at patatagin ang kaayusang pandaigdig sa pundasyon ng pandaigdigang batas.
Nais din aniya ng panig Rusyo na ibayo pang palakasin ang pagpapalitang pangkultura sa Tsina para ipagpatuloy ang pagkakaibigan ng dalawang bansa sa hene-henerasyon.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio