30-taong Relasyong diplomatiko ng Tsina at Eritrea, ipinagdiwang: mensaheng pambati, ipinadala sa isa’t-isa nina Xi Jinping at Isaias Afwerki

2023-05-25 14:56:09  CMG
Share with:

Ipinadala, Miyerkules, Mayo 24, 2023 nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Isaias Afwerki ng Eritrea ang mga mensahe sa isa’t-isa bilang pagbati sa ika-30 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.


Sa kanyang mensahe, tinukoy ni Xi na sa dalaw pang-estado kamakailan ni Pangulong Afwerki sa Tsina, nagpalitan sila ng palagay hinggil sa ibayo pang pagpapalalim ng relasyon ng dalawang bansa at mga isyung panrehiyon at pandaigdig, at narating ang mahahalagang komong palagay.


Diin ni Xi, lubos niyang pinahahalagahan ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa at nakahanda siyang magsikap, kasama ni Pangulong Afwerki, para palakasin ang komprehensibong kooperasyon ng dalawang bansa.


Sa mensahe naman ni Pangulong Afwerki, sinabi niyang mahaba ang kasaysayan ng pagkakaibigan ng dalawang bansa at ipinagkaloob ng Tsina ang maraming tulong sa pagsasarili ng nasyong Eritrean.


Sa okasyon ng ika-30 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, naniniwala aniya siyang magiging mas mabuti ang kinabukasan ng relasyon ng Eritrea at Tsina.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio