Ika-29 na China-ASEAN Senior Officials’ Consultation, idinaos

2023-05-26 14:52:30  CMG
Share with:

Idinaos Huwebes, Mayo 25, 2023 sa Shenzhen ng lalawigang Guangdong ng Tsina ang ika-29 na China-ASEAN Senior Officials’ Consultation.


Magkasamang pinanguluhan nina Nong Rong, Asistenteng Ministrong Panlabas ng Tsina, at U Chan Aye, Permanent Secretary ng Ministrong Panlabas ng Myanmar, ang pulong na ito.


Dumalo rin sa pulong ang mga mataas na opisyal ng mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), at kinatawan ng Sekretaryat ng ASEAN.


Ang East Timor ay lumahok, sa ngalan ng tagamasid ng ASEAN, sa pulong na ito.


Idiniin ni Nong na nakahanda ang panig Tsino na igiit, kasama ng mga bansang ASEAN, ang diwang may mutuwal na kapakinabangan at itatag ang mapayapa, masagana, matatag, maganda at mapagkaibigan na relasyon ng dalawang panig.


Dagdag pa ni Nong na dapat pasulungin ng dalawang panig ang mga bagong kooperasyon sa larangan ng bagong sibol na industriya, bagong enerhiya, pinansiya, pananalapi, seguridad at pagpapalitan ng kultura.


Mataas na tinasahan ng mga bansang ASEAN ang natamong bunga ng Tsina sa kabuhayan at lipunan at umaasa silang ibabahagi ang bagong pagkakataon na dulot ng modernisasyong Tsino.


Ipinahayag nilang kasama ng Tsina, nakahanda ang mga bansang ASEAN na pahigpitin ang kooperasyon at diyalogo sa larangan ng tradisyonal at di-tradisyonal na seguridad, pabilisin ang pagsasanggunian ng Code of Conduct in the South China Sea at magkasamang pasulungin ang kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng rehiyong ito.


Salin: Ernest 

Pulido: Ramil