MOFA: China-Laos Railway, nagpapasulong ng kasaganaan ng rehiyong ito

2023-05-26 15:46:27  CMG
Share with:

Ipinahayag Huwebes, Mayo 25, 2023 ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na ang China-Laos Railway ay isang magandang simbolo ng magkasamang konstruksyon ng Belt and Road cooperation.


Sinabi ni Mao na sapul nang simulan ang tawid-hanggahang biyahe ng pasahero sa daambakal na ito noong nagdaang buwan, naging mas madali ang pagpapalagayan ng mga mamamayan ng dalawang bansa at ito rin ay nagpapasulong nang malaki sa turismo at kooperasyong pangkalakalan at pangkabuhayan.


Sinabi pa ni Mao na ang daambakal na ito ay nagpapasulong ng hanap-buhay sa lokalidad. Dagdag pa niya, nag-employ ang daambakal ng mahigit 3500 Laotian staff at nagpapasigla sa pagdaragdag ng mahigit 100 libong pagkakataon ng hanap-buhay sa ibang mga larangang gaya ng transportasyon, komunikasyon, negosyo, kalakalan, at turismo.


Saad ni Mao na nakahanda ang panig Tsino na patuloy na ibahagi sa mga bansa sa rehiyong ito ang pagkakataon ng connectivity para isakatuparan ang komong kaunlaran at kasaganaan.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil