Isang mensaheng pambati ang ipinadala Mayo 25, 2023 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa 2023 Zhongguancun Forum na may temang “Open Cooperation for a Shared Future.”
Tinukoy ni Xi na sa kasalukuyan, malalim na umuunlad ang bagong round ng rebolusyong pansiyensiya’t panteknolohiya at pagbabago ng industriya, kung nais lutasin ng sangkatauhan ang kahirapan ng komong kaunlaran, mas kinakailangan ang pandaigdigang kooperasyon.
Sinabi niya na buong tatag na iginigiit ng Tsina ang bukas na estratehiya na may mutuwal na kapakinabangan at win-win na resulta. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap kasama ng iba’t-ibang bansa sa daigdig upang makakapit-bisig na isulong ang inobasyong pansiyensiya’t panteknolohiya at maihatid ang mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng iba’t-ibang bansa.
Salin: Lito
Pulido: Ramil