Ministro ng Komersyo ng Tsina at Kinatawan sa Kalakalan ng Amerika, nagtagpo

2023-05-27 18:35:53  CMG
Share with:

Sa panahon ng APEC Trade Ministers' Meeting na ginaganap sa Detroit, Amerika, nagtagpo kahapon, Mayo 26, 2023, sina Wang Wentao, Ministro ng Komersyo ng Tsina, at Katherine Tai, Kinatawan sa Kalakalan ng Amerika.

 

Ginawa ng kapwa panig ang matapat, pragmatiko, at malalimang pagpapalitan tungkol sa relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika, at iba pang mga rehiyonal at multilateral na isyu.

 

Iniharap naman ng panig Tsino ang pagkabahala sa mga mahalagang isyung gaya ng mga patakarang pangkabuhayan at pangkalakalan ng Amerika tungo sa Tsina, mga isyung may kinalaman sa Taiwan sa aspekto ng kabuhayan at kalakalan, balangkas na pangkabuhayan ng Indo-Pacific, at mga taripang ipinapataw ng Amerika batay sa Section 301 ng Trade Act nito.

 

Sinang-ayunan din ng dalawang panig na pananatilihin ang pag-uugnayan.


Editor: Liu Kai