Porum ng Tsina’t ASEAN sa Pagpapalitan at Pagtutulungang Pangkultura, idinaos sa Malaysia

2023-05-28 14:46:10  CRI
Share with:

Mayo 27, 2023, Kuala Lumpur — Mahigit 300 personahe mula sa iba’t-ibang sirkulo ng Tsina at Malaysia ang dumalo sa Porum ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa Pagpapalitan at Pagtutulungang Pangkultura.


Ayon sa mga kalahok, ang kasalukuyang taon ay ika-10 anibersaryo ng pagtatatag ng mga inisyatibang tulad ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina at ASEAN, at magkasamang pagtatayo ng “Belt and Road.”


Anila, sa pamamagitan ng pagpapalitan at pagtutulungang pangkultura, isinasagawa ng Tsina at iba’t-ibang bansang ASEAN ang komprehensibong kooperasyon.


Sa pamamagitan nito, napapasigla ang ugnayan ng mga puso ng kanilang mga mamamayan, dagdag nila.


Hinggil dito, iniharap sa porum ang pangangailangan sa pagsasakatuparan ng Global Civilization Initiative upang mapalakas ang pagpapalitan at pagtutulungang pangkultura ng Tsina at ASEAN; paggigiit ng bukas at inkulsibong ideya upang magkakasamang kumpletuhin ang pangmalayuang mekanismo ng kooperasyong pangkultura ng iba’t-ibang bansa; pagsusulong ng prinsipyo ng magkasamang pagsasanggunian, pagtatatag, at pagtatamasa para maitayo ang pandaigdigang platapormang pangkooperasyon na may mutuwal na kapakinabangan; at paglikha ng bagong tsanel ng pagpapalitang tao-sa-tao upang mapasulong ang pag-uunawaan ng mga mamamayan ng iba’t-ibang bansa.


Salin: Lito

Pulido: Rhio