Sa pagpipinid, Mayo 26, 2023 ng 2-araw na Pulong ng mga Ministrong Pangkalakalan ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC), ipinangako ng mga kalahok na makakapit-bisig na haharapin ang mga pandaigdigang hamon sa mga larangang gaya ng kapaligiran, kaligtasan ng pagkain, at pandemiya.
Ayon sa pahayag ng tagapangulo, inulit na magsisikap ang APEC upang makalikha ng malaya, bukas, pantay, walang-diskriminasyon, maliwanag, inklusibo, at maaasahang kapaligirang pangkalakalan at pampamumuhunan.
Anito, suportado at ibayo pang palalakasin ng APEC ang multilateral na sistemang pangkalakalan, kung saan ang nukleo ay World Trade Organization (WTO).
Dumalo sa pulong ang delegasyong Tsino na pinamumunuan ni Wang Wentao, Ministro ng Komersyo ng Tsina.
Inilahad niya rito ang suporta ng panig Tsino sa multilateral na sistemang pangkalakalan, pagpapasulong ng sustenable at inklusibong pag-unlad ng kalakalan, at iba pa.
Aniya, nahaharap pa rin ang rehiyong Asya-Pasipiko sa maraming hadlang at hamon sa aspekto ng kabuhayan at kalakalan, kaya, nananawagan ang panig Tsino sa APEC na patuloy na igiit ang bukas na atityud, matatag na isulong ang proseso ng integrasyon ng kabuhayang panrehiyon, at ibayo pang palalimin ang kooperasyong pangkalakalan at pampamumuhuna.
Salin: Lito
Pulido: Rhio