Recep Tayyip Erdogan, muling nahalal bilang Pangulo ng Turkey

2023-05-29 16:19:45  CMG
Share with:

Muling nanalo, Mayo 28, 2023, si Pangulong Recep Tayyip Erdogan ng Turkey sa pampanguluhang eleksyon, na nagbigay sa kanya ng panibagong limang taon sa kanyang tungkulin.

 


Ayon sa inisyal na resulta, muling nahalal si Erdogan sa pamamagitan ng 52.14% ng boto.

 

Samantala, ang kanyang 74 anyos na katunggaling na si Kemal Kilicdaroglu ay nagtamo ng 47.86% ng boto.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio