Mahigit 1 milyong turistang Tsino, bumisita sa Thailand ngayong taon

2023-05-29 16:31:01  CMG
Share with:

Inihayag ngayong araw, Mayo 29, 2023 ng pamahalaang Thai, na umabot na sa 1 milyon ang bilang ng mga turistang Tsinong bumisita sa bansa, sapul noong unang araw ng taong ito.

 

Umaasa ang pamahalaang Thai na aabot sa 5 milyon ang mga bisitang Tsino bago katapusan ng 2023.

 

Tinaya rin ng Thailand, na posibleng aabot sa 446 bilyong Baht o mahigit $USD13 bilyon ang kita ng bansa sa taong 2023 dahil sa mga turistang Tsino.

 

Ayon sa datos, umabot sa 274 libo ang bilang ng mga turistang Tsinong nagtungo sa Thailand noong 2022.

 

Bago sumiklab ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) noong 2019, ito ay nasa 11 milyon.

 

Noong nagdaang Pebrero 6, sinimulan ng Tsina ang subok-operasyon ng pang-grupong paglalakbay papunta sa 20 bansang kinabibilangan ng Thailand.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio