Shenzhou-16 manned spaceship ng Tsina, ilulunsad Mayo 30

2023-05-29 16:28:28  CMG
Share with:

 

Ipinatalastas ngayong araw, Mayo 29, 2023 ng China Manned Space Agency (CMSA) na ilulunsad bukas, Mayo 30, mula sa Jiuquan Satellite Launch Center ang Shenzhou-16 manned spaceship.

 

Kabilang sa mga tripulante nito ay tatlong taikonaut na sina Jing Haipeng, Zhu Yangzhu at Gui Haichao.

 

Si Jing ay ang mission commander, samantalang si Zhu ay space flight engineer at si Gui naman ay payload expert.

 

Sa kabilang dako, matapos ang in-orbit rotation mission kasama ang mga tripulante ng Shenzhou-16, babalik ang mga tripulante ng Shenzhou-15 sa Dongfeng landing site sa dakong hilaga ng Tsina.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio