Edukasyon, dapat palakasin para sa pagbangon ng nasyon – Xi Jinping

2023-05-30 17:01:16  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati, Mayo 29, 2023, sa group study session ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), binigyan-diin ni Pangulong Xi Jinping na dapat buong lakas na pasulungin ang pambansang edukasyon para sa pagbangon ng Nasyong Tsino. 


Aniya, dapat pasulungin ang mataas na kalidad ng preschool na edukasyon, at balanseng pag-unlad ng kompulsaryong edukasyon sa pagitan ng mga lunsod at nayon.  

Kailangan din aniyang pabilisin ang pagtatag ng unibersidad sa antas ng daigdig at kompetetibong disiplina na may katangiang Tsino, at palakasin ang siyentipikong pananaliksik at inobasyon na kayang tumugon sa pandaigdigang pangangailangan sa mataas na teknolohiya, at pambansang estratehiya. 


Nararapat palagiang pasulungin ang kakayahan sa inisyal na inobasyon at pagsasanay ng mga talento, diin pa ni Xi. 


Saad ng pangulong Tsino, dapat alisin ang lahat ng kaisipan at insititusyon na humahadlang sa pag-unlad ng edukasyon sa mataas na kalidad, bigyang-pansin ang pantay na pagpapalalim ng reporma sa bawat larangan ng edukasyon para paliitin ang agwat sa pagitan ng iba’t-ibang rehiyon, paaralan at estudyante.


Salin:Sarah

Pulido:Rhio