70% ng respondiyente sa buong daigdig, tutol sa pagpapalawak ng NATO sa Asya-Pasipiko – sarbey ng CGTN

2023-05-30 16:15:44  CMG
Share with:

Ayon sa sarbey na isinagawa sa multi-language platform ng China Global Television Network (CGTN), 71.1% ng mga respondiyente sa buong daigdig ay matinding tutol sa pagtatayo ng liaison office ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) sa Hapon.

 

Nauna rito, ipinahayag ni Jens Stoltenberg, Pangkalahatang Kalihim ng NATO, na umaasa siyang maitatayo ang "Asia-Pacific version of NATO" para pahigpitin ang relasyon sa mga bansa sa rehiyon.

 

Pagkatapos nito, ipinahayag ni Fumio Kishida, Punong Ministro ng Hapon na isinasaalang-alang ng pamahalaang Hapones ang posibilidad ng pagtatayo ng liaison office ng NATO sa bansa.

 

Kaugnay ng pagpapalawak ng impluwensya ng NATO sa Asya-Pasipiko, ipinalalagay ng halos 85% ng mga respondiyente na ito’y malubhang banta sa katatagan at kapayapaan ng rehiyon, samantalang 82% naman ang nangangambang ito’y magpapalakas ng paligsahan sa armas, at ibayo pang magpapa-igting ng tensyon ng rehiyon.


Bilang bansang sumalakay sa iba pang bansa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ikinababahala ng halos 78.9% ng mga respondiyente ang pagpapalakas ng puwersang military ng Hapon nitong ilang taong nakalipas.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio