Sa kanyang talumpati Martes, Mayo 30, 2023 sa unang pulong ng Pambansang Komisyon ng Seguridad ng Ika-20 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na dapat pabilisin ang modernisasyon ng kakayahan at sistema ng pambansang seguridad.
Nanawagan si Xi na dapat maliwanag na malaman ang masalimuot at mahigpit na kalagayan na kinakaharap ng pambansang seguridad, at tumpak na hawakan ang mga pangunahing isyung may kinalaman sa pambansang seguridad.
Sa pagbubuod ng gawain ng komisyon, ito ay ganap na mapapangalagaan ang pambansang soberanya ng bansa, seguridad at interes ng pag-unlad, ayon sa pulong.
Hinimok nito na buong lakas na pangalagaan ang seguridad na pulitikal, pasulungin ang pagsasaayos sa internet data at artificial intelligence.
Nanawagan din sa pulong na dapat pabilisin ang pagtatatag ng sistema ng pagmomonitor sa panganib at maagang babala.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil