CMG Komentaryo: Sa harap ng pagsusuri ng IAEA, dapat linawin ng Hapon ang 5 problema

2023-05-31 14:51:31  CRI
Share with:

Sa kanyang biyahe kamakailan sa Tsina, malinaw na ipinahayag ni Rafael Mariano Grossi, Direktor-Heneral ng International Atomic Energy Agency (IAEA), na hindi bibigyan ng awtorisasyon ang anumang bansa sa pagtatapon ng nuklear-kontaminadong tubig, at hindi sasang-ayunan ang anumang kilos na lalabag sa pandaigdigang pamantayang panseguridad.


Sa harap ng matinding pagtutol at pagduda ng buong mundo sa pagtatapon sa dagat ng nuklear-kontaminadong tubig ng Fukushima nuclear power plant, iniisip ng pamahalaang Hapones na huwag gamitin ang pagtaya at pagsusuri ng IAEA upang hanapin ang permiso sa kilos nito.


Tulad ng panawagan ng mga mamamayan ng mga bansang tulad ng Timog Korea at islang bansa ng Pasipiko, dapat linawin ng panig Hapones ang mga problema sa 5 aspekto upang tugunan ang pagkabahala ng komunidad ng daigdig.


Una, sa paghawak sa nuklear-kontaminadong tubig sa Fukushima, tanging kalutasan ba ang pagtatapon sa dagat?


Ikalawa, maaasahan ba ang mga datos ng nuklear-kontaminadong tubig na inilabas ng Tokyo Electric Power Company?


Ikatlo, mabisa ba o hindi ang “instalasyon ng pagpapalinis” ng nuklear-kontaminadong tubig?


Ika-apat, kaugnay ng epekto sa kapaligiran na dulot ng pagtatapon ng ganitong tubig sa dagat, bakit hindi pa ibinigay ng panig Hapones ang isang siyentipikong pagtasa?


Ikalima, kaugnay ng plano ng panig Hapones na itapon ang nuklear-kontaminadong tubig sa dagat, bakit hindi ito nakipagsanggunian sa mga kaukulang panig na gaya ng mga kapitbansa nito, at mga islang bansa sa Pasipiko?


12 taon na ang nakararaan, idinulot ng aksidenteng nuklear sa Fukushima ang napakalaking kalamidad sa daigdig.


Sa ngayon, hinahanap ng Hapon ang pribado nitong kapakanan sa kapinsalaan ng komong kapakanan ng buong sangkatauhan. Dapat itong buong tinding tutulan ng buong mundo.


Salin: Lito

Pulido: Ramil