Sa kanyang tugon kamakailan kay Alifa Chin, isang batang Bangladeshi, hinihikayat ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na mag-aral ng mabuti, ituloy ang kanyang mga pangarap at magmana ng tradisyunal na pagkakaibigan ng Tsina at Bangladesh.
Tinukoy ni Xi na ang mga mamamayan ng Tsina at Bangladesh ay naging mabuting kapitbansa at kaibigan mula pa noong sinaunang panahon, at mayroong kasaysayan ng mapagkaibigang pagpapalitan na umabot sa libu-libong taon.
Binigay-diin ni Xi na napakasaya niyang malaman na si Chin ay naghahangad na maging isang sugo ng pagkakaibigan ng Tsina at Bangladesh kapag lumaki na siya, at umaasa na makapag-aral ng medisina sa Tsina sa hinanarap.
Sa okasyon ng International Children’s Day, binati ni Xi si Chin ng mabuting kalusugan, masayang pamilya at progreso sa akademiko.
Noong isinilang si Chin noong 2010, nakaranas ang kanyang ina ng dystocia dahil sa matinding sakit sa puso. Sa tulong ng militar na doktor ng Tsina, kapuwa ligtas ang mag-ina. Upang ipakita ang pasasalamat, pinangalanan ng ama ang bata na “Chin” na may kahulugang “Tsina” sa Bengali.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil