Shenzhou-16 crew, matagumpay na nakapasok sa space station ng Tsina

2023-05-31 14:47:18  CMG
Share with:

 

Ayon sa pahayag ng China Manned Space Agency (CMSA), pagkatapos ng matagumpay na independent rapid rendezvous at docking, Martes, Mayo 30, 2023, ng Shenzhou-16 manned spaceship at “Tiangong” space station ng Tsina, nakapasok na ang tatlong taikonaut ng Shenzhou-16 sa space station.

 

Sa susunod na yugto, magkakasamang mamumuhay at magtatrabaho nang limang araw sa space station ang tatlong taikonaut ng Shenzhou-16 at tatlong taikonaut ng Shenzhou-15 para isagawa ang mga itinakdang gawain ng in-orbit rotation mission ng dalawang crew.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil