Qin Gang at Elon Musk, nagtagpo

2023-05-31 14:50:44  CMG
Share with:

 

Nagtagpo Martes, Mayo 30, 2023 sa Beijing sina Qin Gang, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Tesla CEO Elon Musk.

 

Ipinahayag ni Qin na buong sikap na itinatatag ng Tsina ang mas magandang “market-oriented, law-based, and international” na kapaligiran ng negosyo para sa Tesla at iba pang mga dayuhang kompanya.

 

Sinabi ni Qin na ang malusog, matatag at konstruktibong relasyong Sino-Amerikano ay nakakabuti sa dalawang bansa at buong daigdig.

 

Saad ni Qin na ang pagpapasulong ng relasyon ng dalawang bansa ay nangangailangang, tumahak ang dalawang bansa sa landas ng tamang direksyon na gaya ng paggalang sa isa’t isa, mapayapang pakikipamuhayan, at win-win kooperasyon, umiiwas sa "dangerous driving" at "step on the gas" at nagpapasulong ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan.

 

Ipinahayag naman ni Musk na mayroong “intertwined” at “inseparable” na interes ang Tsina at Amerika.

 

Sinabi pa niyang nakahanda ang Tesla na patuloy na palawakin ang serbisyo nito sa Tsina at ibahagi ang pagkakataon ng pag-unlad ng Tsina.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil