Probokatibong aksyon, dapat itigil ng Amerika – Tsina

2023-06-01 11:27:20  CMG
Share with:

 

Hinimok Miyerkules, Mayo 31, 2023 ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), ang Amerika na agarang itigil ang mga probokasyong gaya ng pagpapadala ng eroplano at bapor pandigma para magsagawa ng close-in reconnaissance sa Tsina.

 

Ani Mao, sa loob ng mahabang panahon, madalas itong ginagawa ng panig Amerikano, at ito ay malubhang nagbabanta sa seguridad at soberanya ng Tsina.

 

Ang ganitong probokasyon ay pinag-uugatan ng isyung panseguridad sa dagat, saad niya.

 

Hinggil dito, patuloy aniyang gagamitin ng panig Tsino ang mga kinakailangang hakbangin para pangalagaan ang sariling seguridad at soberanya.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio