Inagurasyon ng bagong pangulo ng Nigeria, dinaluhan ng espesyal na sugo ng pangulong Tsino

2023-06-01 15:30:02  CMG
Share with:

Mayo 29, 2023, lunsod Abuja – Sa paanyaya ng pamahalaan ng Nigeria, dumalo si Peng Qinghua, Espesyal na Sugo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangalawang Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresyong Bayan ng Tsina (NPC), sa inagurasyon ni Bola Ahmed Tinubu, bagong Pangulo ng bansa.

 

Sa sumunod na pakikipagtagpo kay Peng ni Pangulong Tinubu, Mayo 31, sa palasyong pampanguluhan, inihayag niyang magkatulad ang ideya ng Nigeria at Tsina sa pangangasiwa sa bansa, at dapat komprehensibong mapalakas ang kooperasyon sa mga bilateral at multilateral na larangan.

 

Kasama ng Tsina, nakahanda ang Nigeria na ibayo pang pahigpitin ang kooperasyon sa kabuhayan, kalakalan, at seguridad, diin niya.

 

Samantala, inihayag naman ni Peng kay Tinubo ang mainit na pagbati at magiliw na pangungumusta ni Pangulong Xi.

 

Aniya, sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, mahigit 50 taon na ang nakaraan, natamo ng relasyong ito ang malaking progreso.


Kasama ng bagong pamahalaan ng Nigeria, nakahanda aniyang magsikap ang panig Tsino para pabutihin ang pagpapalagayan sa iba’t-ibang antas, suportahan ang isa’t-isa, at komprehensibong palawakin ang aktuwal na kooperasyon.


Salin:Ernest

Pulido: Rhio