CMG Komentaryo: Sinabi ni Elon Musk sa relasyong Sino-Amerikano, dapat pakinggan ng pamahalaang Amerikano

2023-06-01 14:36:03  CRI
Share with:

Sa pagtatagpo Mayo 30, 2023 sa Beijing nina Qin Gang, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Chief Executive Officer (CEO) ng kompanyang Tesla na si Elon Musk, malinaw na inihayag ng huli ang kanyang pagtutol sa ginagawang “ekonomikong pagkalas o pagsibak sa kadena ng produksyon at suplay” ng Amerika sa Tsina.


Aniya, “parang Siamese na kambal, napakahigpit at di-maihihiwalay ang kapakanang Amerikano-Sino.”


Sa kasalukuyang mahirap na relasyong Sino-Amerikano, ipinahayag ni Musk ang tinig ng maraming negosyanteng Amerikano, at dapat itong pakinggan ng pamahalaang Amerikano.


Tulad ng sabi ni Musk, may napakahigpit na ugnayan ang kabuhayang Sino-Amerikano.


Ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang bansa ay hindi lamang nakakabuti sa kanilang kapakanan, kundi maging sa buong daigdig.


Ito ay isang pundamental na kaalaman, at teoryang paulit-ulit nang napagtibay.


Kumpara sa ilang politikong Amerikano na “kapakanang pangheopulitika” at “pribadong pulitikal na kapakanan” lamang ang nasa isip, may rasyonal at malinaw na kaalaman si Musk.


Sa mula’t mula pa’y nananatiling matapat ang panig Tsino sa pagpapabuti ng relasyong Sino-Amerikano.


Ngunit kinakailangan ang katugong aksyon ng panig Amerikano.


Para sa ilang politikong Amerikano na tinitingnan ang relasyong Sino-Amerikano sa maikling hinaharap, handa ba nilang itigil ang mga maling gawain at isulong ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng kapuwa bansa?


Salin: Lito

Pulido: Rhio