MOFA: Ang Tsina ay oportunidad para sa pag-unlad ng daigdig

2023-06-02 15:17:54  CMG
Share with:

Kaugnay ng pananalita noong Mayo 31, 2023 ni Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika, nagsasabing ang paninindigan ng Amerika at Unyong Europeo (EU) sa Tsina ay nagtatampok sa pagbabawas ng mga panganib sa halip ng pagsasagawa ng konprontasyon, cold war at decoupling, tinukoy kahapon, Hunyo 1, ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na palagian at matatag na iginigiit ng Tsina ang de-kalidad na pagbubukas sa labas, ipinagkakaloob ang magandang kapaligiran ng negosyo para sa mga bahay-kalakal ng iba’t ibang bansa, isinasagawa ang kooperasyon sa iba’t ibang bansa sa mga larangan, at matatag na pinangangalagaan ang katarungan at pagkakapantay-pantay ng buong daigdig.


Ani Mao, ito’y nagpapakitang ang Tsina ay oportunidad para sa pag-unlad ng daigdig, sa halip ng di-umanoy panganib.


Idiniin ni Mao na ang tunay na hamon na kinakaharap ng daigdig ay bloc confrontation, bagong cold war, pakikialam sa suliraning panloob ng ibang mga bansa, pagsasapulitika ng mga isyu ng kabuhayan, kalakalan, siyensiya at teknolohiya, pagkasira sa katatagan ng kadena ng industriya at pagsuplay ng daigdig, at paglilipat ng sariling hamong pinansiyal at pangkabuhayan sa ibang mga bansa.


Dagdag pa ni Mao na dapat maging maingat ang komunidad ng daigdig sa naturang mga hamon.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil