RCEP, pormal na pinairal sa lahat ng mga signataryong bansa

2023-06-02 15:35:08  CMG
Share with:

Pormal na pinairal ngayong araw, Hunyo 2, 2023, sa Pilipinas ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP). Ito’y sumasagisag na pormal na pinairal ang RCEP sa 15 signataryong bansa na kinabibilangan ng 10 bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Tsina, Hapon, Timog Korea, Australia at New Zealand.


Kaugnay nito, ipinahayag ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na ang komprehensibong pagsasakatuparan ng RCEP ay nagpapakitang suportado ang 15 bansa sa multilateral na sistema ng kalakalan, nagpapasigla sa integrasyon ng kabuhayang panrehiyon, komprehensibong nagpapataas ng antas ng facilitation at liberalization ng kalakalan at pamumuhunan ng Silangang Asya, at nagpapasulong ng pangmatagalan at matatag na pag-unlad ng kabuhayang panrehiyon at pandaigdig.


Ipinahayag din ng naturang ministri na patuloy na pasusulungin ng Tsina ang de-kalidad na pagsasakatuparan ng RCEP, lubos na patitingkarin ang positibong papel ng RCEP para sa kooperasyon ng kadena ng industriya at pagsuplay, at dekalidad na pagbubukas at pagunlad.


Mainam na isasakatuparan ng panig Tsino, kasama ng iba’t ibang panig, ang mga obligasyon ng RCEP, pabubutihin ang konstruksyon ng mekanismo ng RCEP at lubos na igagarantiya ang matatag at pangmatagalang kooperasyon ng RCEP, dagdag ng ministring ito.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil