Bilang tugon sa kasunduang narating kamakailan ng mga bansa sa ilalim ng tinatawag na “Indo-Pacific Economic Framework (IPEF)” na pinamumunuan ng Amerika, ipinahayag Hunyo 1, 2023, ni Shu Jueting, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo (MOC) ng Tsina, na ang kasaganaan, katatagan, at paglaki ng kabuhayan sa rehiyong Asya-Pasipiko ay nakikinabang sa pagiging bukas at win-win na kooperasyon, at mutuwal na kapakinabangan, sa halip ng pagiging eksklusibo at paglikha ng pagkakaiba.
Ipinahayag ni Shu na palagiang bukas ang pakikitungo ng Tsina sa mga bukas at inklusibong panrehiyong inisyatiba na pasulungin ang kooperasyong pangkabuhayan at pagkakaisa, na gaya ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC). Pero, laging tinututulan ng Tsina ang sarado, eksklusibo, confrontational clique.
Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng iba’t ibang panig ng rehiyong Asya-Pasipiko, para patuloy na pasulungin ang integrasyong pangkabuhayan sa rehiyon, pasulungin ang pag-unlad ng ekonomiya sa rehiyon, at pahusayin ang kagalingan ng mga mamamayan ng bansa sa rehiyong Asya-Pasipiko.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil