Mensahe ng pakikiramay, ipinadala ni Xi Jinping sa mga lider ng India

2023-06-04 14:28:55  CRI
Share with:

Sa magkahiwalay na okasyon, ipinadala Hunyo 3, 2023 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe ng pakikiramay kina Pangulong Droupadi Murmu at Punong Ministro Narendra Modi ng India kaugnay ng napakalaking kasuwalting dulot ng pagkadiskaril at banggaan ng tren sa estadong Odisha ng bansa.


Sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino, inihayag ni Xi ang taos-pusong pakikidalamhati sa mga nasawi, at pakikiramay sa kamag-anakan ng mga biktima at sugatan.


Nang araw ring iyon, isang mensahe ng pakikiramay ang ipinadala rin ni Premyer Li Qiang ng Tsina kay Modi.


Salin: Lito

Pulido: Rhio