Tsina sa Amerika: Sa mga kaibigan, masarap na inumin ang aming handog; sa mga lobo, de-sabog ang salubong namin

2023-06-04 14:41:41  CRI
Share with:


Shangri-La Dialogue, Singapore –Ipinahayag Hunyo 4 (lokal na oras), 2023 ni Li Shangfu, Kasangguni ng Estado at Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na iginigiit ng kanyang bansa ang pagtahak sa landas ng mapayapang pag-unlad.


Ngunit binigyang-diin niyang hindi itatakwil ng Tsina ang pangangalaga sa sariling lehitimong kapakanan at hindi isasakripisyo ang nukleong kapakanan ng bansa.


Hinggil dito, sinipi niya ang isang bantog na kasabihang Tsino, “Sa mga kaibigan, masarap na inumin ang aming handog; sa mga lobo, de-sabog ang salubong namin.”


Aniya, lantarang pinanghihimasukan ng ilang bansa ang mga suliraning panloob ng ibang bansa at mga suliraning panrehiyon, isinasagawa ang mga unilateral na sangsyon at ginagamit ang dahas alinsunod sa kanilang sariling kagustuhan, at sinusulsulan ang “rebolusyon at proxy war” sa iba’t-ibang sulok ng daigdig.


Makaraang guluhin ang isang rehiyon, umaalis ang ilang bansa ito at iniiwan ang isang napakagulong situwasyon. Hinding-hindi ito pahihintulutan ng Tsina sa rehiyong Asya-Pasipiko, diin niya.


Salin: Lito

Pulido: Rhio