Dahil sa AUKUS: ASEAN, nababahala sa paglaganap ng sandatang nuklear – PM ng Kambodya

2023-06-05 15:31:28  CMG
Share with:

Hunyo 5, 2023, Phnom Penh – Inihayag ni Hun Sen, Punong Ministro ng Kambodya, na dahil sa AUKUS na binubuo ng Amerika, Britanya at Australya, nababahala ngayon ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa paglaganap ng sandatang nuklear.

 

Matatandaang noong Setyembre 2021, ipinatalastas ng naturang tatlong bansa ang pagtatatag ng alyansa ng AUKUS at ipagkakaloob ng Amerika at Britanya ang teknolohiya para itayo ang nuclear-powered submarine sa Australya.

 

Kaugnay nito, sinabi ni Hun Sen na nababahala ang ASEAN sa naturang alyansa, dahil ang ASEAN ay isang sonang ligtas sa sandatang nuklear, at tumututol sa pagpapalaganap ng sandatang nuklear.

 

Dagdag niya, ang AUKUS ay panimulang punto ng isang mapanganib na paligsahan sa armas at kung magpapatuloy ang ganitong kalagayan, haharapin ng daigdig ang mas malaking banta.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio