2023 ASEAN Media Partners Forum, idinaos sa Guangxi

2023-06-06 19:08:28  CMG
Share with:


Nanning — Idinaos Hunyo 6, 2023 ang 2023 ASEAN Media Partners Forum na magkasamang itinaguyod ng China Media Group (CMG) at pamahalaan ng rehiyong awtonomo ng lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina.

 

Nagbigay ng video speech sa porum sina Wissanu Krea-Ngam, Pangalawang Punong Ministro ng Thailand, at Khieu Kanharith, Ministro ng Impormasyon ng Kambodya. Dumalo at nagtalumpati sina Shen Haixiong, Presidente ng CMG, at Liu Ning, Kalihim ng Komite ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa rehiyong awtonomo ng lahing Zhuang ng Guangxi.

 

Bukod pa riyan, sa porma ng online at offline, mahigit 200 personahe mula sa sirkulo ng media, organisasyong pandaigdig, iskolar at eksperto galing sa Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang dumalo sa porum upang talakayin ang tungkol sa pagtatatag ng mas mahigpit na komunidad na may pinagbabahaginang kapalarang Sino-ASEAN.

 

Sa kanyang talumpati, tinukoy ni Shen Haixiong na lubos na pinapurihan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang kooperasyong Sino-ASEAN, at ipinaabot niya ang lubos na inaasahang maitatag ang mas mahigpit na komunidad na may pinagbabahaginang kapalarang Sino-ASEAN.

 

Ani Shen, nitong ilang taong nakalipas, lalo pang humihigpit ang pagpapalitan sa pagitan ng CMG at media ng mga bansang ASEAN, at natamo ang kapansin-pansing bunga.

 

Si Shen Haixiong, Presidente ng CMG

 

Ipinahayag niya na dapat magkapit-bisig na harapin ng kapwa panig ang mga hamon at pinagtipun-tipon ang rehiyonal na puwersang pangkooperasyon.

 

Dapat din aniyang magsabi ng mabuti ang kapuwa panig ng mga kuwento tungkol sa kooperasyon tungo sa win-win result, puspusang palaganapin ang komong ideya ng halaga ng buong sangkatauhan, at tulungan ang pagsasakatuparan ng Global Development Initiative, Global Security Initiative, at Global Civilization Initiative upang makapagbigay ng mas maraming katatagan at katiyakan sa magulo at nagbabagong daigdig.

 

Sa kanya namang talumpati, ipinahayag ni Liu Ning na ang kasalukuyang taon ay ika-10 anibersaryo ng “Belt and Road” Initiative at ika-20 anibersaryo ng China-ASEAN Expo (CAExpo).

 

Aniya, ang pagkakaroon ng mga kalahok ng malalim na pagpapalitan sa porum ay lubos na nagpapakita ng komong hangarin ng iba’t-ibang panig na lumikha ng magandang kinabukasan ng kooperasyong Sino-ASEAN sa pamamagitan ng pagpapalitan ng media ng kapwa panig.

 

Si Liu Ning, Kalihim ng Komite ng CPC sa rehiyong awtonomo ng lahing Zhuang ng Guangxi

 

Sa kanyang video speech, ipinahayag ni Wissanu Krea-Ngam na mahabang kasaysayan ang mapagkaibigang relasyon ng Thailand at Tsina, at natamo ng kooperasyong Thai-Sino ang napakalaking progreso sa mga larangang tulad ng pulitika, kabuhayan, kultura, at edukasyon.

 

Aniya, ang mga ito ay di maihihiwalay sa magkasamang pagsisikap ng media ng dalawang bansa.

 

Si Wissanu Krea-Ngam, Pangalawang Punong Ministro ng Thailand

 

Sa kanyang video speech, ipinahayag ni Khieu Kanharith na napakahabang panahon ang pagpapalitan at pagtutulungan ng Kambodya at Tsina sa larangan ng media.

 

Ipinaabot niya ang pag-asang walang patid na hahanapin ng mga bansang ASEAN at Tsina ang mga bagong pormang pangkooperasyon para mapalakas ang positibong impluwensiya ng media at makapagbigay ng ambag sa pagpapasulong ng pagtatatag ng mas mahigpit na komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng kapuwa panig.

 

Khieu Kanharith, Ministro ng Impormasyon ng Kambodya

 

Sa seremonya ng pagbubukas ng porum, idinaos ang seremonya ng pag-uumpisa ng biyahe ng media group sa panood ng modernisasyong Tsino.

 

Kasama ng mga mamamahayag mula sa CMG at media ng Guangxi, pupunta ang mahigit 30 mamamahayag mula sa 18 pangunahing media ng 8 bansang ASEAN sa Guilin, Liuzhou, Qinzhou, Beihai, at iba pang mga lunsod para sa pagbabalita.

Mula kaliwa sa kanan ay sina Mark D. Merueñas, Ben-Hur B. Baniqued, Rocky M. Lesigues, at Virginia “Gigie” Arcilla-Agtay

 

Kabilang sa nasabing grupo ay sila Ben-Hur B. Baniqued, Vice Chair ng Board of Directors ng People's Television Network Inc. (PTNI), Rocky M. Lesigues, Reporter ng PTNI, Virginia “Gigie” Arcilla-Agtay, Editor-in-Chief ng Daily Tribune, Mark D. Merueñas, Senior News Editor ng Philippine News Agency (PNA).

 

Samantala, pinasimulan din nang araw ring iyon ang ASEAN Tour of Chinese Culture Digital Image upang maipakita ang mga napakahusay na tradisyonal na kulturang Tsino at mapasulong ang koneksyon ng kulturang Sino-ASEAN.


Salin: Lito

Pulido: Ramil