Paglikha ng kaguluhan sa Taiwan Strait, buong tatag na tinutulan ng Tsina

2023-06-06 15:04:30  CMG
Share with:

Kaugnay ng paglalayag ng barkong pandigma ng Amerika sa Taiwan Strait, binigyan diin Hunyo 5, 2023, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang katotohanan ay ang Amerika ang unang nag-uudyok ng kaguluhan at hinahawakan ito ng Tsina alinsunod sa mga batas at regulasyon. 

Aniya, isinagawa ng hukbong Tsino ang mga kinakailangang hakbangin upang harapin ang mga probokasyon ng mga kaugnay na bansa, at ang mga ito ay ganap na makatwiran, legal, ligtas at propesyonal.


Buong tatag na tinututulan ng Tsina ang paglikha ng mga kaguluhan sa Taiwan Strait, at buong tatag na pinangangalagaan ang pambansang soberanya at seguridad, gayundin ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon, dagdag ni Wang. 


Salin:Sarah

Pulido:Ramil