Mula Hunyo 5 hanggang 6, 2023, naglakbay-suri si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Wuliangsu Lake at lunsod Bayan Nur ng Inner Mongolia.
Sa Wuliangsu Lake, nalaman ni Xi ang mga gawain ng lokalidad hinggil sa komprehensibong pangangalaga sa kapaligiran ng bundok, gubat, damo at lawa, pagpapabuti ng kapaligirang ekolohikal at konstruksyon ng de-kalidad na sakahan.
Sa lunsod Bayan Nur, naglakbay-suri si Xi sa mga mahalagang proyekto ng kapaligirang ekolohikal na gaya ng pagtatanim ng shelter-forest para sa paglalapat-lunas sa pagsasadisyerto ng lupa, pagpigil sa malakas na buhangin at pagpapayaman ng gubat.
Bukod dito, bumisita rin si Xi sa sentro ng pagmomonitor sa bolyum ng tubig ng Yellow River sa Hetao Irrigation Area ng Bayan Nur.
Ang sentrong ito ay ginagamit para pahigpitin ang pangangasiwa sa yamang-tubig at pataasin ang episyenisya ng paggamit ng tubig sa rehiyong ito.