CMG Komentaryo: Patakaran ng Amerika sa Tsina, nawawalan ng silbi

2023-06-06 15:54:05  CMG
Share with:

 

Ang patakaran ng Amerika sa Tsina ay palagiang doble-karang taktika: sa isang dako, isinasagawa ng Amerika ang pagpigil at komprontasyon sa Tsina, kasabay nito, hiniling ng Amerika sa Tsina na panatilihin ang bilateral na kooperasyon at diyalogo ng dalawang bansa.

 

Halimbawa, sa katatapos na ika-20 Shangri-La Dialogue sa Singapore, pinuna ni Lloyd Austin, Kalihim ng Tanggulang Bansa ng Amerika, ang paninindigan ng Tsina sa isyu ng Taiwan at di-umano’y pagbabanta ng Tsina sa kalayaan ng paglalayag.

 

Sa kabilang dako naman, bumisita Hunyo 4, 2023 sa Tsina si Daniel Kritenbrink, Asistenteng Kalihim ng Estado ng Amerika, para makipagdiyalogo sa kanyang counterpart ng Tsina.

 

Sa katotohanan, ang ganitong doble-karang taktika ng Amerika sa Tsina ay hindi kayang mapangalagaan ang sarili nitong hegemonya.

 

Unang una, ang patakaran ng Amerika sa pagpigil ng pag-unlad ng Tsina ay hindi kayang tunay na mapigilan ang pag-unlad ng Tsina. Halimbawa sa isyu ng semiconductor, natamo ang malaking progreso ng Tsina sa isyung ito pagkatapos ng pagpapalabas ng Amerika ng mga hakbangin para mapigilan ang pag-unlad ng industriyang ito sa Tsina.

 

Sa isyu ng Taiwan, hindi kaya ng Amerika na baguhin ang determinasyon ng Tsina sa reunipikasyon.

 

Sa kabilang dako naman, kinakailangan ng Amerika ang kooperasyon ng Tsina sa mga isyu na gaya ng krisis na nation debt ng Amerika, pagharap ng pagbabago ng klima, di-pagpapalagnap ng sandatang nuklear, at sagupaan ng Ukraine at Rusya.

 

Sa kasalukuyan, nasa deadlock ang relasyong Sino-Amerikano, ang saligang dahilan ay dahil sa doble-karang patakaran ng Amerika sa Tsina.

 

Kaya dapat bumalik ang Amerika sa tamang landas ng paggalang sa isa’t isa, mapayapang pakikipamuhayan, at win-win cooperation.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil