Kaugnay ng gagawing pagbisita ni Pangulong Iris Xiomara Castro Sarmiento ng Honduras sa Tsina, ipinahayag Miyerkules, Hunyo 7, 2023 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na ito ang kauna-unahang dalaw pang-estado ng pangulo ng Honduras sa Tsina, at magtatagpo ang pangulo ng dalawang bansa para talakayin ang plano ng pag-unlad ng bilateral na relasyon sa hinaharap.
Kasama ng Honduras, umaasa aniya ang panig Tsino na mapapalalim ang pagtitiwalaan at pagkakaibigan, at mapapalawak ang kooperasyon.
Sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng dalawang bansa noong Marso 26, 2023, aktibong isinasakatuparan ng Tsina’t Honduras ang mga pangako para pabilisin ang pag-unlad ng bilateral na relasyon sa ilalim ng prinsipyo ng paggalang sa isa’t-isa, pagkakapantay-pantay, at komong pag-unlad, saad niya.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio