Diplomatang Tsino, papuna sa kooperasyon ng AUKUS sa nuclear submarines

2023-06-09 14:44:48  CMG
Share with:

Sa regular na pulong ng International Atomic Energy Agency (IAEA) na idinaraos sa Vienna, Austria, ipinahayag ni Li Song, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa IAEA, na ang kooperasyon ng aliyansa ng Amerika, Britanya at Australia (AUKUS) sa nuclear submarines ay bunga ng Cold War mentality at camp-based confrontation. Ito rin aniya ay malubhang nakapinsala sa sistemang pandaigdig sa di-pagpapalagnap ng sandatang nuklear.


Tinukoy ni Li na ang kooperasyon ng AUKUS sa nuclear submarines ay kinabibilangan ng paglilipat ng ilang toneladang weapons-grade highly enriched uranium mula sa mga bansang may sandatang nuklear patungo sa bansang walang sandatang nuklear. Dagdag pa niya, ang ganitong kooperasyon ay tumawid nang malaki sa saklaw ng prinsipyo at praktika ng Treaty on the Non-Proliferation of Nuclear Weapons (NPT).


Nanawagan din si Li sa iba’t ibang panig na isakatuparan ang tunay na multilateralismo sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon.


Ang nabanggit na paninindigang Tsino ay malawak na tinatanggap sa pulong na ito ng mga kinatawan ng mahigit 20 bansang gaya ng Rusya, Pakistan, Ehipto, Timog Aprika, Indonesia, Brazil, Argentina, at iba pa.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil