Ipinahayag kamakailan ni Xie Feng, Embahador ng Tsina sa Amerika, na dapat igalang ng Tsina at Amerika ang isa’t-isa at hanapin ang tumpak na porma ng pakikipamuhayan sa makabagong panahon upang mapayapang makipamuhayan at magkooperasyon tungo sa panalu-panalong resulta.
Ani Xie, tulad ng dati, pinahahalagahan ng panig Tsino ang relasyong Sino-Amerikano, at kasama ng Amerika, nakahandang magsikap ang Tsina upang mapasulong ang diyalogo at kooperasyon, alisin ang mga hadlang, isakatuparan ang mahahalagang napagkasunduan ng mga lider ng dalawang bansa sa kanilang pagtatagpo sa Bali Island, at mapanumbalik sa tamang landas ang relasyong Sino-Amerikano sa lalong madaling panahon.
Salin: Lito
Pulido: Rhio