Sa pag-uusap sa telepono Hunyo 9, 2023 nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Cyril Ramaphosa ng Timog Aprika, tinukoy ni Xi, na kapuwa mahalagang malaking umuunlad na bansa, at may espesyal na relasyong pangkaibigan ang Tsina at Timog Aprika.
Ani Xi, ang relasyong Sino-Aprikano ay may mahalagang estratehikong katuturan sa pangangalaga ng komong kapakanan ng malawak na masa ng mga umuunlad na bansa.
Ito rin aniya ay pumapatnubay sa pagkakaisa at pagtutulungan ng dalawang panig.
Kasama ng Timog Aprika, nakahanda ang Tsina, na itaas ang lebel ng relasyon, itayo ang komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina at Timog Aprika sa mataas na antas, ipatupad ang tunay na multilateralismo, pangalagaan ang komong kapakanan ng mga umuunlad na bansa, at pasulungin ang pagtahak ng kaayusang pandaigdig sa mas pantay at makatuwirang direksyon.
Ipinahayag naman ni Ramaphosa ang pagpapahalaga ng Timog Aprika sa relasyon sa Tsina.
Kasama ng Tsina, magsisikap aniya ang kanyang bansa upang walang patid na mapasulong ang relasyong Timog Aprikano-Sino.
Samantala, nagpalitan din sila ng kuru-kuro tungkol sa krisis sa Ukraine.
Ipinahayag ni Ramaphosa na kinakatigan ng Timog Aprika ang dokumento ng panig Tsino tungkol sa paglutas ng krisis sa Ukraine sa paraang pulitikal.
Umaasa aniya siyang mapapanumbalik ang talastasan ng mga may kinalamang panig sa lalong madaling panahon.
Tinukoy ni naman ni Pangulong Xi na palagian ang paninindigan at posisyon ng panig Tsino sa krisis na ito.
Umaasa aniya siyang malilikha ng iba’t-ibang panig ang paborableng kondisyon para sa paglutas ng krisis sa pulitikal na paraan.
Salin: Lito
Pulido: Rhio