Pangulo ng Honduras, nasa Tsina

2023-06-11 13:39:57  CRI
Share with:

Sa paanyaya ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, isinasagawa ni Pangulong Xiomara Castro ng Honduras ang dalaw-pang-estado sa Tsina mula Hunyo 9 hanggang 14, 2023.


Dumating ng lunsod Shanghai, Hunyo 9 sina Xiomara Castro at kanyang enturahe.


Ito ang unang dalaw-pang-estado ng pangulo ng Honduras sa Tsina.


Samantala, magkakaroon ng historikal na pagtatagpo ang mga lider ng dalawang bansa upang magkasamang pagplanuhan at bigyang-patnubay ang pag-unlad ng bilateral na relasyon sa hinaharap.


Sa bisperas ng biyahe ni Xiomara Castro sa Tsina, magkakahiwalay na ipinahayag ng mga opisyal, personaheng pang-media, eksperto at iskolar ng Honduras ang kanilang lubos na pananabik sa pagpapasulong ng kooperasyon ng Honduras at Tsina sa iba’t-ibang larangan, at pagpapahigpit ng pagpapalitan sa iba’t-ibang lebel.


Salin: Lito

Pulido: Rhio