Ika-4 na bolyum ng librong “Xi Jinping: The Governance of China,” isinapubliko sa mas maraming lengguwahe

2023-06-12 14:28:13  CMG
Share with:

 

Isinapubliko Hunyo 11, 2023 ng Foreign Languages Press (FLP) ng Tsina, ang Ika-4 na bolyum ng librong “Xi Jinping: The Governance of China” sa mas maraming lengguwaheng kinabibilangan ng Pranses, Ruso, Arabe, Espanyol, Aleman, Hapones at tradisyonal na wikang Tsino.

 

Laman ng libro ang 109 artikulo ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, na inilabas mula Pebrero 3, 2020 hanggang Mayo 10, 2022.

 

Lakip din dito ang 45 litratong hinggil kay Xi na kinuha mula Enero 2020.

 

Ayon sa FLP, ang libro ay awtoritatibong katha para komprehensibo at sistematibong ipakita ang mga natamong bunga at bagong progreso ng “Xi Jinping Thought on Socialism with Chinese Characteristics for a New Era.”

 

Matatandaang noong Hulyo 2022, isinapubliko ang bersyon ng aklat sa wikang Tsino at Ingles.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio