Naging viral sa internet kamakailan ang pananalita ng isang estudyante ng lunsod Mianyang, probinsyang Sichuan ng Tsina.
Aniya, “ang pinal na hangarin ng pag-aaral ay upang walang anumang privileged person sa daigdig sa halip na pagiging privileged person.”
Sa lipunan, bagama’t may pagkakaiba sa lakas at kahinaan ang mga tao, walang anumang pagkakaiba sa personalidad; malaki man o maliit, malakas man o mahina, mahirap man o mayaman ang mga bansa, sila ang mga pawang pantay na miyembro ng komunidad ng daigdig.
Ngunit, bilang tanging makapangyarihan sa kasalukuyang daigdig, palagiang kumikilos ang Amerika bilang “privileged person.”
Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, unti-unting tiniyak ang katayuan ng dolyares bilang salaping pandaigdig.
Bukod pa riyan, ginagamit ng Amerika ang Society for Worldwide Interbank Financial Telecommunications (SWIFT) para patawan ng sangsyon ang mga bansang gaya ng Rusya, Hilagang Korea at Iran alinsunod sa sarili nitong kagustuhan, napakalinaw at kasuklam-suklam na mukhang “those who submit will prosper, those who resist shall perish.”
Dahil sa pagkakaroon ng hegemonya ng U.S. Dollar, kaya madali nitong nakukuha ang ari-arian ng ibang mga bansa sa pamamagitan ng paglilimbag ng perang dolyares.
Sa akdang “The Dollar Trap” ni Eswar S. Prasad, propesor ng ekonomiya ng American Cornell University, malalimang nitong inibunyag ang esensya ng pagnanakaw ng hegemonya ng U.S. Dollar.
Sa kanyang mata, sa pamamagitan ng hegemonyang ito, lubos na ina-aksaya ng Amerika ang napakaraming yaman na binabayaran ng ibang mga bansa.
Minsa’y inilabas ng “The New York Times” ang isang artikulong pinamagatang “The Big Business of Scavenging in Postindustrial America” kung saan direktang tumukoy ng pag-aaksaya ng Amerika.
Anang artikulo, sa pamamagitan ng 4% populasyon ng buong mundo, ginamit ng Amerikano ang 23% enerhiya ng buong mundo, at iniprodyus ng 12% basura.
Ayon pa sa datos mula sa website ng “FoodPrint” ng Amerika, ina-aksaya ng Amerika ang mga 40% pagkain kada taon na umabot sa 125 bilyon hanggang 160 pounds. Napakarami sa mga ito ang nakakain at nakapagpapataba.
Noong isang taon, sa epekto ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), sagupaang heopulitikal, pagbabago ng klima ng buong mundo, at marami pang elemento, kinaharap ng kaligtasan ng pagkain ng daigdig ang napakahigpit na hamon.
Ayon sa datos na isinapubliko ng United Nations World Food Programme (UNWFP), natutulog ang mahigit 828 milyong populasyon sa daigdig sa kagutuman, at nahaharap ang mga 345 milyong populasyon sa grabeng krisis ng pagkain.
Bakit hindi alam ng Amerika ang pagtitipid ng mga yaman? Dahil ito ay mayroong 3 kagamitang kinabibilangan ng hukbo, dolyares, at media na nagpapanatili ang hegemonya ng Amerika sa daigdig.
Sa labas, ginagamit ng Amerika ang dolyares bilang sandata, at nagmamalabis ng “Dollar Hegemony” sa pagsasagawa ng coercive diplomacy upang mapangalagaan ang sarili nitong hegemonya sa daigdig.
Sa mahabang panahon, sa iba’t-ibang uri ng pormang tulad ng blokeyong ekonomiko, unilateral na sangsyon, bantang militar, isolasyong pulitikal, at blokeyong panteknolohiya, ipinakikita ng Amerika ang mga klasikong kaso ng coercive diplomacy sa daigdig.
Sa kasaysayan, minsa’y magkakasunod na isinagawa ng Amerika ang unilateral na sangsyon laban sa mga bansang tulad ng Cuba, Venezuela, Hilagang Korea, Iran, Belarus, Sudan, at Rusya, inilunsad ang digmaang pangkalakalan at isinagawa ang blokeyong panteknolohiya laban sa Tsina.
Lalong lalo na, isinagawa ng Amerika ang coercive diplomacy sa mga kaalyado nitong gaya ng Hapon at ilang bansang Europeo. Minsa’y naging biktima ng coercive diplomacy ng Amerika ang Toshiba ng Hapon, Siemens ng Alemanya, Alstom ng Pransya, at iba pa.
Tulad ng sinabi ng Amerikanong iskolar na si Jeffrey D. Sachs sa kanyang artikulong may pamagat na “Why the US Should Pursue Cooperation with China,” ang esensya ng patakarang panlabas ng Amerika ay “Either you are with us or against us. America should lead, allies should follow, and woe be to countries that oppose its primacy.”
Ngunit mula noong sinaunang panahon, wherever there is oppression, there is resistance.
Sa kasalukuyang taon, mabilis na sumusuong ang “de-dollarization” sa daigdig.
Sa pulong ng mga ministro ng pinansya at puno ng bangko sentral ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na idinaos noong Marso 28 sa Indonesia, pangunahing paksa nitong kung paanong babawasan ang pagpapasustento ng kalakalang pinansiyal sa dolyares, euro, yen, at pound.
Idinaos sa Teheran noong Mayo 24 ang ika-51 summit ng Asian Clearing Union (ACU) na ang pangunahing tema nito ay “de-dollarization” at pagpapasulong ng isang bagong cross-border payment mechanism na makakahalili ng SWIFT.
Samantala, pawang ipinatalastas ng Tsina, Rusya, Iran, Iraq, Argentina, at mga bansa ng Gulf Cooperation Council (GCC) na unti-unti nilang pasusulungin ang pagbabayad sa salaping lokal, at hindi gagamitin ang dolyare sa pagbabayad sa hinaharap.
Sa katotohanan, dahil sa sariling kasakiman at pagbubully, unti-unting binibigyang-wakas ang hegemonya ng Amerika.
Sa kabilang dako, ang nasabing pananalita ng estudyanteng Tsino sa lunsod Mianyang ay nagpapakita ng hangarin ng tradisyonal na kulturang Tsino na “the world is equally shared by all.”
Ayon dito, iniharap ng Tsina ang Chinese Dream na isasakatuparan ang dakilang pag-ahon ng Nasyong Tsino.
Layon ng pangarap na ito na panumbalikin ang karapat-dapat na dignidad at katayuan ng Tsina at maisakatuparan ang pagkakapantay-pantay sa buong mundo sa halip na kunin ang hegemonya.
“No one is born a slave to others,” at hindi kinakailagan ang “privileged person” sa daigdig.
May-akda / salin: Lito
Pulido: Ramil