CMG Komentaryo: Kinabukasan ng relasyon at kooperasyon ng Tsina at Honduras, maganda

2023-06-14 15:18:55  CMG
Share with:

 

Hunyo 12, 2023, nilagdaan ng Tsina at Honduras ang Memorandum of Understanding (MOU) ng magkasamang konstruksyon ng “Belt and Road” Initiative. Kaugnay nito, malawakang ipinalalagay ng mga media ng Honduras na ito’y magdudulot ng malaking pamilihan at pagkakataon ng pag-unlad para sa Honduras.

 

Noong nagdaang Marso 26, itinayo ng Tsina at Honduras ang relasyong diplomatiko para pasulungin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa bagong antas.

 

Tatlong buwan pagkaraang itatag ang relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, isinagawa ni Pangulong Iris Xiomara Castro Sarmiento ng Honduras ang kanyang kauna-unahang dalaw-pang-estado sa Tsina. Ito’y nagpapakitang mahalagang hangarin ng dalawang bansa sa pagpapasulong ng bilateral na relasyon.

 

Ang pundasyong pulitikal ng relasyon ng Tsina at Honduras ay prinsipyong isang-Tsina. Ipinangako ni Castro na matatag na kinakatigan ng kanyang bansa ang prinsipyong isang-Tsina at pagsisikap ng pamahalaang Tsino para sa reunipikasyon ng bansa.

 

Sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Honduras, mabilis na umuunlad ang kalakalan ng dalawang bansa. Ayon sa datos ng adwana ng Tsina, mula noong Enero hanggang Abril, lumaki nang 206% ang bolyum ng kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa kumpara sa gayunding panahon ng taong 2022.

 

Sa kasalukuyan, buong sikap na pinasusulong ng Tsina ang konstruksyon ng modernisasyong Tsino. Ito’y magdudulot ng mas maraming pagkakataon sa buong daigdig na kinabibilangan ng Honduras.

 

Palagiang iginigiit ng Tsina ang pakatarang panlabas na pantay ang katayuan ng iba’t ibang bansa kahit malaki man o maliit, malakas man o mahina, mayaman man o mahirap.

 

Kaya puno ng pananabik ang Honduras sa kinabukasan ng kooperasyon ng dalawang bansa. Ipinahayag ni Eduardo Enrique Reina, Ministrong Panlabas ng Honduras, na ang relasyon ng dalawang bansa ay parang isang malaking puno na mabilis na lumalaki.

 

Para sa Tsina, patuloy at matatag na pasusulungin nito ang mapagkaibigang relasyon at kooperasyon sa Honduras para makinabang dito ang mga mamamayan ng dalawang bansa.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil