Dumating ngayong umaga, Hunyo 14, 2023 sa Manila ang Chinese naval training ship “Qijiguang” para isagawa ang tatlong araw na mapagkaibigang pagbisita sa Pilipinas.
Winelkam sa port ng Manila ang pagdating ng bapor na ito ng mahigit 300 katao na kinabibilangan ni Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas, at mga kinatawan ng embahada, kompanyang Tsino, hukbong pandagat ng Pilipinas, at overseas Chinese sa lokalidad.
Habang isinasagawa ang pagbisita sa Pilipinas, makikipagtagpo ang mga komander ng bapor na ito sa mga opisyal ng hukbong pandagat ng Pilipinas at isasagawa ang aktibidad ng pagpapalitan sa pagitan ng mga hukbong pandagat ng dalawang bansa.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil