Pangulo ng Tsina at Palestina, nag-usap

2023-06-15 14:29:32  CMG
Share with:

 

Sa pag-uusap, Hunyo 14, 2023 sa Beijing nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at kanyang counterpart na si Mahmoud Abbas ng Palestina, sinabi ng pangulong Tsino, na kinakatigan ng kanyang bansa ang pagiging opisyal na miyembro ng United Nations (UN) ng Palestina.

 

Sa abot ng makakaya, patuloy aniyang tutulungan ng Tsina ang Palestina para malutas ang makataong krisis at isagawa ang rekonstruksyon sa bansa.

 

Dagdag ni Xi, kasama ng Palestina, nakahanda ang Tsina upang komprehesibong pasulungin ang kooperasyon sa iba’t-ibang larangan, pabilisin ang talastasan sa malayang kalakalan, at palakasin ang pagpapalitan ng mga karanasan hinggil sa pangangasiwa sa mga pambansang suliranin.

 

Bukod diyan, iniharap ni Xi ang tatlong paninindigang kinabibilangan ng una, ang saligang solusyon sa isyu ng Palestina ay pagtatayo ng independiyenteng estado na may kabiserang Herusalem at hanggahang itinakda noong 1967; ikalawa, paggarantiya sa pangangailangan ng Palestina sa larangan ng kabuhayan at pamumuhay ng mga mamaamyan, at pagpapalawak ng makataong tulong mula sa komunidad ng daigdig upang umunlad ang Palestina; at ikatlo, paggigiit ng tamang direksyon sa mapayapang talastasan.

 

Ani Xi, nais gumanap ng positing papel ng Tsina sa interyor na rekonsilyasyon at mapayapang talastasan hinggil sa isyu ng Palestina.

 

Pinasalamatan naman ni Abbas ang malaking pagkatig at pagtulong ng Tsina sa loob ng mahabang panahon.

 

Tumatalima aniya ang Palestina sa prinsipyong isang-Tsina at matatag na kinakatigan ang paninindigang Tsino sa mga isyung may kinalaman sa sariling nukleong kapakanan.

 

Saad pa niya, kasama ng Tsina, nais pasulungin ng Palestina ang konstruksyon ng Belt and Road Initiative (BRI), pahigpitin ang kooperasyon sa iba’t-ibang larangan, at palalimin ang bilateral na relasyon.

 

Matapos ang pag-uusap, magkasamang sinaksihan nina Xi at Abbas ang paglagda sa mga dokumentong pangkooperasyon sa larangan ng kabuhayan at teknolohiya.

 

Isinapubliko rin ng dalawang panig ang magkasanib na pahayag hinggil sa pagtatatag ng estratehikong partnership.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio