Binuksan Hunyo 15, 2023, sa China National Convention Center, Beijing, ang 4 na araw na ika-29 na Beijing International Book Fair.
Bumisita sa book fair si Li Shulei, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Ministro ng Departamento ng Publisidad ng Komite Sentral ng CPC.
Sa tema ng “pagpapalalim ng pagpapalitan ng kultura,” ang kasalukuyang book fair ay naging plataporma ng kooperasyon sa loob at labas ng bansa sa paglalathala, at lubos nitong ipinakikita ang bunga ng paglalathala sapul nang idinaos ang Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC.
Mahigit 2500 kompanya mula sa 56 bansa at rehiyon ng buong daigdig ang lumahok sa book fair sa kapwang paraan ng online at on-site, at umabot sa mahigit 200 libong uri ng libro ang itinanghal.
Kasabay ng ika-29 na Beijing International Book Fair, idinaraos din ang ika-21 Beijing International Book Festival.
Sa panahon ng pestibal ng aklat, idaraos din ang mahigit 1000 aktibidad ng pagpapalitan na may kinalaman sa pag-unlad ng publisidad sa internet, pagpopromote ng pagbabasa at iba pa.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil