Sa International Trade Forum ng Pilipinas na idinaos Hunyo 15, 2023, sa Manila, ipinahayag ni Huang Xilian, Embahador Tsino sa Pilipinas, na dapat aktuwal na isakatuparan ng dalawang bansa ang komong palagay ng pangulo ng dalawang bansa, igiit ang mainam na relasyon bilang kapitbansa, at samantalahin ang bentahe ng sistema ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), para magdulot ng mas maraming kapakanan para sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Sinabi ni Huang na ang pormal na pagpapairal ng RCEP sa Pilipinas ay nangangahulugan ng mas malaking pamilihan, mas mababang gastusin at mas maraming pamumuhunan para sa bansang ito.
Dumalo rin sa porum na ito sina Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. ng Pilipinas, Secretary Alfredo Pascual ng Department of Trade and Industry, Senador Loren Legarda, at mahigit 100 panauhin na kinabibilangan ng opisyal ng pamahalaang Pilipino, diplomata ng mga bansa sa Pilipinas at mga media ng bansang ito.
Ipinahayag ni PBBM na buong sikap na pasusulungin ng kanyang pamahalaan ang paglaki ng pagluluwas mula taong 2023 hanggang 2028 at para sa mga trade partner ng Pilipinas at iba’t ibang bansa ng daigdig, ang Pilipinas ay palagiang kapani-paniwalang kooperatibong partner.
Sinabi pa niyang ang pagpapairal ng RCEP sa kanyang bansa ay magpapasulong ng integrasyon ng kabuhayan ng Pilipinas at iba mga kasaping bansa ng RCEP.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil