Mga lunar sample na ipinagkaloob ng Tsina sa Pransya, naihatid sa museo sa Paris

2023-06-17 17:44:18  CMG
Share with:

Ayon sa ulat kahapon, Hunyo 16, 2023, ng Science and Technology Daily ng Tsina, sa pamamagitan ng mga air-sealed container, naihatid na sa National Museum of Natural History ng Pransya sa Paris ang mga lunar sample na ipinagkaloob ng Tsina sa Pransya.

 

Ang naturang mga sample na may kabuuang timbang ng 1.5 gramo ay ibinigay ng Tsina sa Pransya para sa siyentipikong pananaliksik, sa pagdalaw ni Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya sa Tsina noong nagdaang Abril.

 

Ang mga ito ay nagmula sa mga drilled sample at surface sample na kinuha at ibinalik sa Mundo, noong Disyembre 2020 ng Chang'e-5 lunar probe ng Tsina mula sa Statio Tianchuan sa hilagang silangang bahagi ng Oceanus Procellarum, sa near side ng Buwan.

 

Sa loob ng darating na lima hanggang pitong taon, ang naturang mga sample ay pag-aaralan sa magkakasamang programa ng French National Center for Space Studies, French National Center for Scientific Research, Paris Institute of Earth Physics, at University of Paris-Sorbonne.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos