Pamahalaang Tsino, pinag-aralan ang mga patakaran at hakbangin para sa tuluy-tuloy na pagbangon ng kabuhayan

2023-06-17 17:42:40  CMG
Share with:

Ipinatawag kahapon, Hunyo 16, 2023, sa Beijing, ni Premyer Li Qiang ng Tsina ang ehekutibong pulong ng Konseho ng Estado, para pag-aralan ang mga patakaran at hakbangin tungkol sa pagpapasulong ng tuluy-tuloy na pagbangon ng kabuhayan.

 

Ayon sa pulong, mainam ngayon sa kabuuan ang pagbangon ng kabuhayan ng Tsina.

 

Anito, kasunod ng pagpapatupad ng mga naunang patakaran at hakbangin, unti-unting nanunumbalik ang pangangailangan ng pamilihan, tuluy-tuloy na lumalaki ang produksyon at suplay, nananatiling matatag ang presyo ng mga bilihin at hanapbuhay, at sumusulong ang de-kalidad na pag-unlad.

 

Samantala, nagiging mas masalimuot ang kapaligirang panlabas, bumabagal ang pandaigdigang kalakalan at pamumuhunan, at direktang nakakaapekto ang mga ito sa pagbangon ng kabuhayang Tsino, dagdag ng pulong.

 

Naitakda sa pulong na ito ang mga patakaran at hakbangin sa apat na pangunahing aspektong kinabibilangan ng pagpapabuti ng mga patakarang makro-ekonomiko, pagdaragdag ng epektibong pangangailangan, pagpapalakas ng real economy, at pagpigil at paglutas ng mga pangunahing panganib.

 

Binigyang-diin din sa pulong, na dapat pabilisin ang pagpapatupad ng mga patakaran at hakbangin, at gawin ang paghahanda para sa mga susunod na karagdagang patakaran at hakbangin, para patingkarin ng mga ito ang pinakamalaking papel.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos